📖 Mga Awit 129
-
1
Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan, sabihin ngayon ng Israel,
-
2
Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan: gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin.
-
3
Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod; kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.
-
4
Ang Panginoon ay matuwid: kaniyang pinutol ang mga panali ng masama.
-
5
Mapahiya sila at magsitalikod, silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.
-
6
Sila'y maging parang damo sa mga bubungan, na natutuyo bago lumaki:
-
7
Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon, ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.
-
8
Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan, ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa; binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.