📖 Mga Awit 124
-
1
Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, sabihin ng Israel ngayon,
-
2
Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
-
3
Nilamon nga nila sana tayong buhay, nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
-
4
Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
-
5
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
-
6
Purihin ang Panginoon, na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
-
7
Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli: ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
-
8
Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon, na siyang gumawa ng langit at lupa.