📖 Mga Awit 116
-
1
Aking iniibig ang Panginoon, sapagka't kaniyang dininig ang aking tinig at aking mga hiling.
-
2
Sapagka't kaniyang ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin, kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.
-
3
Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin, at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin: aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
-
4
Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon; Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
-
5
Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid; Oo, ang Dios namin ay maawain.
-
6
Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob: ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.
-
7
Bumalik ka sa iyong kapahingahan, Oh kaluluwa ko; sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.
-
8
Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan, at ang mga mata ko sa mga luha, at ang mga paa ko sa pagkabuwal.
-
9
Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon, sa lupain ng mga buhay.
-
10
Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita: ako'y lubhang nagdalamhati:
-
11
Aking sinabi sa aking pagmamadali, lahat ng tao ay bulaan.
-
12
Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
-
13
Aking kukunin ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
-
14
Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
-
15
Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
-
16
Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod; ako'y iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae; iyong kinalag ang aking mga tali.
-
17
Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
-
18
Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
-
19
Sa mga looban ng bahay ng Panginoon, sa gitna mo, Oh Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon.