📖 Mga Awit 113
-
1
Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon, purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.
-
2
Purihin ang pangalan ng Panginoon mula sa panahong ito at magpakailan man.
-
3
Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,
-
4
Ang Panginoon ay mataas na higit sa lahat ng mga bansa, at ang kaniyang kaluwalhatian ay sa itaas ng mga langit.
-
5
Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios, na may kaniyang upuan sa itaas,
-
6
Na nagpapakababang tumitingin ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?
-
7
Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok, at itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi;
-
8
Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo, sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan.
-
9
Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae, at maging masayang ina ng mga anak. Purihin ninyo ang Panginoon.